Abante Tonite
Mabilis sa Balita

June Mar bawal puwersahin – Leo

0 233

PLANO ng San Miguel Beermen na dahan-dahan subalit sigurado maibabalik sa de-kalidad na laro si June Mar Fajardo.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria na hindi nito inaalis ang posibilidad na limitahan ang playing minutes ng nagbabalik na si Fajardo kung sa ikabubuti ng manlalaro mula sa Compostela Valley, Cebu.

Ayon sa Beermen coach, patuloy ang kanilang monitoring sa kondisyon ng six-time MVP lalo na sa pagsisimula ng ika-46th season ng PBA dahil na rin sa matagal na panahon na hindi nakapaglaro si Fajardo matapos operahan sa kanyang nabaling kanan na shin.

Ang 6-foot-10 center ay hindi pa nasasabak sa kompetitibong basketball sapol na nabigo ang Beermen sa playoffs ng 2019 Governors Cup.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagkasya lamang ito sa nakaraang taon kabilang ang Philippine Cup bubble habang nasa pagpapagaling sa kanyang off-season operation.

Ang mahigit isang taon na kawalang aktibidad at kalusugan ni Fajardo ang konsiderasyon ng San Miguel coaching staff na bantayan ang 31-anyos bago nito payagan makapaglaro ng husto ang big man.

“I think at the start kailangan talagang pag-aralan namin,” sabi ni Austria sa pagtatala sa playing minutes ni Fajardo Sabado sa Power & Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

“From time to time, mino-monitor naman namin ‘yung practice niya kung allowed na siya ng full game,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.