Abante Tonite Interactive

June Mar kailangan din ng pahinga

212

Dear Abante Tonite:

Eight-time PBA Best Player of the Conference. Six-time PBA champion. Five-time PBA MVP.

Kung susumahin, matik na dapat sa Gilas Pilipinas ang isang de-kalibreng manlalaro tulad ni June Mar Fajardo.

Ngunit hindi ito ang nangyari nang dedmahin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Fajardo sa 24-man pool na sasalang sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Marami tuloy ang napatanong, maging ako, kung bakit wala nga ba ang manlalaro sa national team, na kung mga nakaraang edisyon ay laging kasama sa koponan lalo’t kaunti lang naman ang mga primyadong liga sa PBA.

Ngunit nang nabasa ko ang paliwanag ng SBP, naliwanagan ako at natanggap kong kahit gaano man kalakas si June Mar, kailangan pa rin nito ng pahinga.

Saad sa paliwanag ng SBP, mananatili pa rin bilang parte ng national team si June Mar, ngunit pahinga muna dahil na rin sunod-sunod na ang paglilingkod nito para sa bayan.

Makikita sa kanyang Instagram na enjoy na enjoy ito sa buhay probinsya, ang kanyang kinalakihan. Marapat lang na maglaan din siya ng oras sa kanyang pamilya bago muling bumalik sa Maynila para muling kumayod para sa Pilipinas.

Marco ng Manila