June Mar kukunin ang 6th straight MVP SWAK ‘TO!

428

Nauwi sa apat ang gitgitan sa MVP race ng Season 44, pero liyamado pa rin si June Mar Fajar­do na itaas ang pang-anim na niyang sunod na highest individual award sa opening day mamaya ng PBA 45th season sa Smart Araneta Coliseum.

Garahe sa buong papasok na season ang 6-foot-10 Cebuano dahil sa shin injury.

Mahigpit niyang kalaban sa MVP race sina Jayson Castro, CJ Perez at Christian Standhardinger.

Pinakamatunog din ang pangalan ni Perez na mag-uuwi ng Rookie of the Year honor.

Pinagtig-isahan nina Fajardo, Castro at Standhardinger ang Best Player of the Conference plums noong nagdaang season – Philippine Cup, Commissioner’s at Governors.

Posibleng makasama ni Fajardo sa Mythical First Team sina Castro, Standhardinger, Perez, at Sean Anthony o Japeth Aguilar.

Sina Perez at Robert Bolick ang magkagitgitan sa ROY race, kabuntot sina Javee Mocon, Bobby Ray Parks at Abu Tratter.

Most Improved Player candidate sina Mo Tautuaa, Matthew Wright, Jackson Corpuz, Bong Galanza, Rey Nambatac, Philip Paniamogan at Don Trollano.

Sa Samboy Lim Trophy (Sportsmanship Award) sina Fajardo, Nambatac, Troy Rosario, Chris Newsome, Baser Amer, Mac Belo at Gabe Norwood.

Kandidato sa All-Defensive Team sina Mark Barroca, Jericho Cruz, Jio Jalalon, Newsome, Perez, Chris Ross, Scottie Thompson, Paolo Taha at LA Tenorio sa backcourt, at sina Aguilar, Raymond Almazan, Sean Anthony, Rome dela Rosa, Poy Erram, Fajardo, Norwood, Rafi Reavis, Rosario, Ian Sangalang at Standhardinger sa frontcourt. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...