Abante Tonite Interactive

June Mar, SMB bumawi sa Game 4

392

tumagay!

Tulad ng pinangako nina Arwind Santos at June Mar Fajardo, tinabla ng three-time defending champion San Miguel Beer ang PBA Phlippine Cup Finals sa tigalawang panalo, tinuhog ang Magnolia Ang Pambansang Manok, 114-98, Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Anim na player pamumuno ni Best Player of the Conference June Mar Fajar-do ang umiskor ng double figures tungo sa pagtulak sa best-of three series na lang. Game 5 bukas sa Quezon City playing venue na nabanggit pa rin.

Umiskor si Fajardo ng 31 points, 14 rebounds at isang assist habang nagdagdag si Terrence Romeo ng 18 markers, four board rebound at 5 feeds. Nagtala din si Chris Ross ng 15 puntos, 7 rebound at 3 assist habang may 12 putnos si Arwind Santos at 11 pts. si Alex Cabagnot.

Itinala ng Beermen ang pitong puntos na abante sa pagtatapos ng unang hati ng laro mula sa isang tres ni Terrence Romeo sa natitirang tatlong segundo sa pagkapit sa 54-47 iskor.

Sinandigan ng Beermen ang apat na tres ni Santos na naghulog apat na tres sa second quarter mula sa anim ng koponan para ilista ang 12 puntos dagdag ang apat na rebound at dalawang assist habang nagmolde si Fajar-do ng 14 puntos at pitong rebound.

Una nito ay naghabol ang Beermen sa 4-11 pagkakaiwan sa unang anim na minuto bago dalawang beses itinabla ang laro bagaman napag-iwanan pa rin sa 25-27 sa unang 12 minuto

Ang iskor:
San Miguel 114 – Fajardo 31, Romeo 18, Ross 15, Standhardinger 13, Santos 12, Cabagnot 11, Lassiter 6, Rosser 3, Pessumal 3, Nabong 2.

Magnolia 98 – Barroca 22, Jalalon 22, Sangalang 19, Reavis 9, Lee 7, Herndon 6, Dela Rosa 5, Calisaan 4, Melton 2, Brondial 2, Ramos 0, Pascual 0.
Quarters: 25-27, 56-47, 87-77, 114-98.(Lito Oredo)