Abante Tonite Interactive

Jung Hae In emosyonal sa ending ng K-drama

1,090

Kahapon ang final airing ng pinag-uusapang kilig at May-December love affair na Something in the Rain ng JTBC.

Siguradong ang drama na ito ang isa sa pinaka-hindi makakalimutan ng South Korean actor na si Jung Hae In.

Ito ang drama na una siyang nabigyan ng pagkakataon na maging main lead. At ito rin ang drama na masasabing nagpasikat sa kanya maging sa Asian countries bilang isa sa promising South Korean actor.

Halatang emosyonal si Jung Hae In sa pagtatapos ng Something in the Rain na pinagbidahan nila ni Son Ye Jin.
Bago ang finale episode ay nagpahayag si Hae In ng kanyang nararamdaman sa pagtatapos nito sa pamamagitan ng kanyang agency, ang FNC Entertainment.

Ayon kay Hae In, “The entire drama fil­ming was a time of joy that I cannot express fully in words. It was a precious time where while acting out Jun Hee, I was able to reflect deeply on love. Usually, when a production ends, you feel a mixture of relief and disappointment, but with this one, that won’t even begin to describe what a thankful production this is. I want to sincerely thank director Ahn Pan Suk and writer Kim Eunfor allowing me to be in this production, as well as Son Ye Jin sunbaenim and all of the staff on sight, for the hard work we did together.”

At dahil tapos na ang Something in the Rain, series of fan meeting sa iba’t ibang bansa naman ang pagkaka-abalahan niya. Isa na rito ang fan meeting niya sa Manila sa June 30 na magaganap sa KIA Theater.