Abante Tonite Interactive

Jung Hae In mas sikat kina Song Joong Ki at Park Bo Gum

By
2,577

Ang ganda talaga ng mga nangyayari sa career ngayon ng South Korean actor na si Jung Hae In. Ilang beses na rin naming naisulat dito ang isa sa pinaka-promisin­g na actor ngayon sa Korea na mula sa pagiging rookie actor, heto at sa unang lead role niya, ang Something in the Rain ng JTBC, makokonsider na nga siyang isa sa pinaka-po­pular young actor ngayon hindi lamang sa Korea kung hindi maging sa ibang bansa.

Inihahalintulad si Hae In ng allkpop.com sa dalawang popular actors din na nagsimulang maging popular noong 2016, sina Song Joong Ki at Park Bo Gum. Sa part ni Song Joong Ki, matagal na siyang actor at naging miyembro rin ng variety show na Running Man, pero umangat talaga ang pangalan niya nang gawin niya ang Descendants of the Sun pagkalabas niya sa military, kunsaan ay nakapareha niya ang napanga­sawang aktres na si Song Hye Kyo.

Si Park Bo Gum naman, masasabing sinuwerte agad sa unang drama pa lang niya na Moonlight Drawn by Clouds at na­ging popular agad ang pangalan niya halos sa buong Asia. ‘Yun nga lang, hanggang ngayon ay wala pa rin nababalitang drama na ginagawa niya o kumpirmadong tinanggap na niya.

Si Hae In nga raw ang nagiging bagong hot actor ngayon na sumusunod sa yapak nina Joong Ki at Bo Gum. So far, ang drama nila ng South Korean actress si Son Ye Jin na kasalukuyan pa ring ipinapalabas tuwing Biyernes at Sabado, 11:00 p.m. KST ay nakakuha ng 6.6% rating bilang highest nito so far sa loob ng 10 episodes na naipalabas na.