Abante Tonite Interactive

Jung Hae-In natalbugan ang ibang Korean actor

By
0 3,501

Sa mga korean drama, malakin­g oportunidad para sa mga baguhan ang mabigyan ng second lead role o ‘yung lead supporting actor. Kung maganda ang karakter at magaling ang K-actor, siguradong mapapansin ito. Magsisilbing daan para mabigyan sila ng lead role sa mga susunod na proyekto.

Ganito ang nangyayari ngayon sa South Korean actor na si Jung Hae-In.

Simula nang mag-debut siya noong 2013 sa ilang Korean drama, noong 2017 lang talaga maraming nakapansin sa kanya.

Ito ay sa pamamagitan ng SBS’ K-drama na While You We’re Sleeping. Si Jung Hae-In ang gumanap sa role ni Han Woo Tak. Hindi maitatanggi na si Hae-in ang isa sa nakapukaw ng atensiyon ng manonood. Dito siya nakilala at dumami ang tagahanga.

Dahil dito, nabigyan agad si Hae-in ng lead role sa K-drama, ang Pretty Noona Who Buys Me Food ng JTBC. Kapa­reha niya rito si Son ye-jing na nag-comeback sa television after five years. Nag-pilot noong March 30 ang Pretty Noona… na napapanood tuwing Biyernes at Sabado ng 11:30 kst time slot.

Ang last episode nila noong April 14 ang nakapag-rehistro ng pina­kamataas na rating ng drama na may 7.069% sa Seoul.

Walang-duda na isa si Jung Hae-in sa mga bagong ‘oppa’ at ‘bias’ ngayon sa Korean drama.

Naglabas ang soompi.com ng ilan sa mga katangian daw ng SoKor actor para kagiliwan ito at subaybayan ng mga fan.
Una na rito, tapos na si Jung Hae-in sa kanyang mandatory military service which mean, hindi na darating sa puntong maiinip at maghihintay sa actor ang mga fan ng dalawang taon.

Pangalawa, great grand­father niya si Jung Ya Kyong, isa sa mga influential thinker noong Joseon Dynasty.
Si Jung Hae-in ay tinatawag din bilang Milk Man na ang ibig sabihin, may superior genes siya at above average person.

At dahil nga nakukuha na ni Hae-in ang interes ng netizen, hindi lang isa kung hindi maraming beses na nagta-top sa Naver ang pangalan niya bilang top search.

Kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng rating ng kauna-unahan niyang pinagbibidahang drama, walang-duda na si Hae-in ang isa sa mga Korean actor na sisikat. Natalbugan na niya ang ibang mga Korean actor na naunang naging bida kaysa sa kanya.