Abante Tonite Interactive

Jung Hae-in, Super Junior may paandar sa ‘Pinas

By
3,336

Magkasunod na araw dumating ang South Korean boy band na Super Junior at ang South Korean actor na si Jung Hae-in sa bansa.

Dumating noong Biyernes, June 28 ang grupo ng Super Junior at kahapon naman nang umaga, June 29 si Hae-In dumating sa NAIA. Magkasabay ang pareho nilang show sa Manila ngayong gabi.

Sa airport pa lang, ilang fan na ng Super Junior at ni Hae-in ang sumalubong sa kanila.

Ang ‘Super Show 7’ concert ng Super Junior ay gaganapin sa SM Mall of Asia at ang Jung Hae In Smile Fan meeting naman ay sa KIA Theater.
Inaasahan naman na muling ipapakita ng Super Junior ang kanilang music, especially they’re promo­ting their new album, ‘Play’ sa kanilang mga Pinoy fan.

Natuwa ang mga tagahanga na sumalubong sa Super Junior sa NAIA dahil sa pagiging accommoda­ting ng grupo. Bumati pa raw sina Leetuk at Shindong sa mga fan nila bago sumakay ng van. Bukod sa dalawa, ang iba pang mi­yembro ng Super Junior ay sina Siwon, Donghae, Eunhyuk, Heechul at Yesung.

Ang Super Junior rin ang isa sa mga kinikilalang pioneering boy band sa South Korea. 2005 pa nang mag-debut ang grupo under S.M. Entertainment at simula noon, marami nang naging hits at awards. Ang album nilang ‘Sorry, Sorry’ang isa sa bestselling album at that time.

Si Hae-in naman, bagama’t napansin na sa ilang supporting role niya tulad sa While You Were Sleeping at Goblin, sa kauna-unahan niyang starring role siya nakakuha ng maraming tagahanga through his recent drama, ang ‘Something In The Rain.’

Masasabing bago pa lang ang popularidad ni Hae-In ngayon bilang isang actor at kailangan pa niyang mapatunayan ang staying power na meron siya. Pero, hindi maikakaila na among the fast-rising stars, isa si Hae-In sa talagang promising at nagpapakita na rin ng husay sa pag-arte.

Ngayong gabi nga ay masasabing dominated ng South Korean stars ang Manila with a concert and fan meeting. Walang-duda kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa K-pop at K-drama culture.