Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jung Ho Yeon tinalbugan si Song Hye Kyo sa IG

0 69

Sa report na lumabas sa soompi.com kahapon , si Jung Ho Yeon ang second highest Korean actress with most numbered of followers in Instagram.

Siya ay isa sa cast ng pinag-uusapan at maituturing na pinaka-successful k-drama ng taong ito, ang “Squid Game” .

Halos dikit na ito sa for the longest time, 2nd most followed Korean actress in Instagram na si Song Hye Kyo.

Nang i-check namin noong September 4 rin, sobrang bilis umakyat ang bilang ng followers ni Jung Ho Yeon.

Naungusan na niya ang followers ni Song Hye Kyo! At ito ay sa loob lang ng ilang oras, huh!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Song Hye Kyo na may Instagram account na @kyo1122 ay may 12 million followers habang si Jung Ho Yeon naman ay meron ng 12.9 million followers sa kanyang Instagram account na @hoooooyeony.

At ang number one most followed na South Korean actress na si Lee Sang Kyung na may IG account na @heybiblee.

At sa bilis ng pagdami ng followers ng Squid Game actress sa loob lang ng ilang oras, ‘di-malayong siya na ang Most Followed South Korean actress in Instagram.

Bago maipalabas sa Netflix ang Squid Game, ang followers lang ng model turned actress na si Jung Ho Yeon sa Instagram ay nasa 400,000 lang. Pero sa loob ng dalawang Linggo, simula nang ipalabas ang drama, 30% ang itinaaas ng following nito with 12.9 million now as of this writing.

Sobrang impressive ng popularity niya ngayon dahil sa Squid Game and considering din na ito ang unang k-drama na ginawa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.