Abante Tonite Interactive

Jung Jae Eun tinawanan ang galit ng mga fan

By
1,618

Pinagtawanan lang ng musical actress na si Jung Jae Eun ang galit ng mga tagahanga ng BTOB member na si Changsub.

Kung matatandaan, naisulat na rin namin dito ang mga negative comment at hate message ng mga fan ni Changsub. Ito’y dahil sa ginawa raw nitong pakikipagkita sa co-star. Pinaghihinalaan silang magkarelasyon.

Kawalan daw ng res­pect ang ginawa ni Changsub na sa mismong araw pa ng fan signing ay magkasama sila. Nagbayad ang mga fan para makita siya, pero after that, nasa isang coffee shop lang ito dumiretso katabi halos ng fan signing venue. At ang hindi nila matanggap, ‘yung magkalingkis pa ang braso nila sa l­umabas na video.

Ang babaeng tinutukoy nga ay si Jung Jae Eun. Meron silang ongoing­ musical production na ‘DogFight’.

Nang ma-interview si Jae Eun in connection with their musical play, natatawang sinagot nito ang isyu sa kanilang dalawa ng BTOB member.

Ayon sa musical actress, “Hahaha. We are really just simply close co-stars. It turned out that the day that we were filmed together was same day as BTOB’s fan sign event. In ‘DogFight’, Rose (Jung Jae Eun’s role) was a double casting and Bird (Changsub’s role) was a triple casting, and at the time, there wasn’t much time left before a performance where we would be working together; so he asked me for some help and asked to meet up to go over our roles. Changsub has a lot of greed for musicals. I am looking forward to his growth as a musical actor.”

Maging ang Cube Entertainment, ang agency ng BTOB ay nagsalita na at itinanggi ang isyung ikinagagalit ng mga fan.
Isang maikling statement na, “It’s not true,” ang ipinahayag ng representative mula sa Cube Entertainment. (Rose Garcia)