Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jung Joon Young, Choi Jong Hoon nahatulan ng kulong

0 147

Naglabas na ng final decision ang Supreme Court ng South Korea para sa dalawang singer/actor na na-involve sa iskandalo nu’ng 2019.

Sina Jung Joon Young ay nahatulan na ng limang taong pagkabilanggo at si Choi Jong Hoon naman ay dalawang taon at anim na buwan.

Noong November, sinentensiyahan ng Seoul Central District Court sina Jung Joon Young ng anim na taon in prison at si Choi Jong Hoon naman ng limang taong pagkabilanggo dahil sa mga kaso nitong aggravated rape (i.e., rape that involves two or more perpetrators). Parehong umapela ang defendants at ang prosecution sa naging ruling, dahilan kaya nagkaroon muli ng panibagong hearing ng taong ito.

Noong May, binawasan ng Seoul High Court ang sentensiya kay Jung Joon Young at ginawa na lang na limang taon. Si Choi Jong Hoon naman, naging two years and six months na lang. Pero umapela pa rin ang mga ito kaya nauwi na sa Supreme Court ang kaso.

Pero hindi na pinakinggan ng Supreme Court ang appeal. Kung ano ang naging hatol ng Seoul High Court ay siya na ring desisyon ng Supreme Court. Ayon dito, “There was no violation of legal principles or misrepresentation of facts due to subjective reasoning or experience in the original ruling, and there was also no misconception of jurisprudence.”

Kung pagbabasehan naman ang mga komento ng mga netizen, tila hindi masaya ang mga ito sa naging hatol sa dalawa. Naiiklian sila sa taon ng pagkabilanggo.

Meron pang mga comment na baka kahit nasa kulungan na raw, may magawa pang paraan at mas mapaikli pa ng mga ito ang sentensiya sa kanila. Walang duda na negatibo at galit talaga ang mga netizen sa naging sexual harrassment cases ng dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.