Abante Tonite Interactive

Jung Yong Hwa ng CNBLUE nakalabas na sa military

0 104

Lumabas na mula sa kanyang mandatory military service ang miyembro ng CNBLUE na si Jung Yong Hwa. Siya ang leader, lead vocalist at rhythm guitarist ng grupo. Dahil dito, hindi na nakapagtataka na may estimate na 1,000 ang mga fan na sumalubong dito kahapon, November 3.

Nagsimula siyang ma-enlist noong March 5, 2018 bilang isa sa volunteer. Nagpa-assign siya sa 702nd Special Assault Regiment in Second Corps noong April 13, 2018.

Bukod sa pagiging isang singer, nakagawa na rin si Yong Hwa ng iba’t ibang drama at variety shows. Kilala rin siya sa iba’t ibang philanthropic deeds na ginagawa niya.

During his discharge at Gangwon Province, humarap muna si Yong Hwa sa mga fan at mga Korean press na sumalubong sa kanya.

Narito ang short speech ni Yong Hwa sa harapan ng kanyang mga tagahanga at press.

Aniya, “Thanks to everyone who cheered me on, I was able to successfully complete my military service in good health.

“My time in the military was an opportunity for me to improve myself. The time I spent serving in the military was not at all wasted. Using this valuable time as a foundation, I will show you a more mature and admirable side of myself in the future.”