Abante Tonite Interactive

Junsay, Reyes, 5 pa sa LGBA series

0 238

Tumuklaw agad ng tatlong panalo si defending champion Jimmy Junsay ng Batangas sa siklab ng “2019 LGBA Breeder of Year” race nitong Biyernes, Setyembre 6 sa Pasay City Cockpit.

Sambula naman ang ikalawang round ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-stag derby sa araw na ito, Setyembre 9 na may higit 90 sultada.

Bagong 60 entries ang nakalista sa 3-stag elims na ga suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor.

Sina Junsay at Dennis Reyes ng Guadalupe Jared ang kumuha ng LGBA Breeder of the Year title nitong 2018 nang magtala ng mataas na 17.5 points.

May tatlong panalo rin nitong Set. 6 sina 2019 Bakbakan Early Bird champion Mark Calixto, Carlos Tumpalan, Ronald Barandino, Fernando Meneses, Toto Gregore at Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan.

Nakatig-2.5 markers sina Arnold dela Cruz ng AEJ Farms at Doc Rey Tambo.

Taya sa first leg derby (Set. 6, 9, 13, 16 at 18; Okt. 3, 7 at 11) ang garantisadong P5M gantimpala.

Sa ibang katanungan, tawagan si Erica sa 0945 4917 474, si Ace sa 0939 4724 20, 843 1746 at 816 6750. (enjel Manato)