Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juntilla, Lapu-Lapu wagi uli

0 219

Umiskor si dating PBA player Reed Juntilla ng krusyal na 12 points, 3 rebounds, at assist at steal upang bidahan ang Arq Builders-Lapu-Lapu City sa paggarote sa Dumaguete 67-57 at solohin ang liderato sa Visayas leg 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 elims Martes sa Alcantara Sports and Civic Center sa Cebu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aktuwal na nanguna sa mga kumamada si Ferdiunand Lusdoc na may 14 markers para sa second straight win ng Heroes makaraang hakbangan din ang Tabogon Voyagers nitong Sabado 75-61.

Namuno si Nikki Monteclaro sa Wariors na gumulong sa 0-2 kasama ang 105-100 loss Siquijor Mystics. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.