Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juntilla, Ochea pabibo sa ARQ

0 118

NAG-TAKEOVER sa dulo sina Reed Juntilla at Dawn Ochea para iligtas ang ARQ Builders Lapu Lapu City tungo sa 73-69 analo kontra Tubigon Bohol, Sabado sa stepladder playoffs ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Naibaba ng Tubigon ang 17 puntos na bentahe ng ARQ sa 61-65 sa mainit na opensa, tampok ang impresibong hook shot ni Pari Llagas sa natitirang 2:20.

Pero swak ang dalawang foul throw ni Ochea kasunod ang dalawang jumper ni Juntilla sa sumunod na play para mailayo ang iskor sa 71-61 tungo sa huling 60 segundo.

Nakahirit pa ang Bohol mula kay Jerry Musngi, subalit mabilis na nakabalikwas si Juntilla sa pahirapang undergoal shot para selyuhan ang panalo.

Umusad ang ARQ sa susunod na stage ng stepladder phase at haharapin sa knockout game ang magwawagi sa duwelo ng Dumaguete at Tabogon sa main game ng double-header.

Naka-iskedyul ang winner-take-all Linggo kung saan nakataya ang ikalawang slot sa semifinals.

Tangan ng KCS Computer Specialist-Mandaue ang twice-to-beat advantage sa seminal duel ng kauna-unahang professional basketball league sa bansa sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanction ng Games and Amusements Board (GAB).

Naghihintay na sa best-of-three Finals ang MJAS Zenith-Talisay City na awtomatikong umusad sa championship round nang makumpleto ang double-round sweep.

“All of us will stay behind to watch and scout the second game. We only have less than 24 hours to prepare for the next game,” pahayag ni ARQ assistant coach Jerry Abuyabor.

Kumana si Ochea, dating miyembro ng Adamson Falcons, ng 21 puntos, 10 rebounds, tatlong assists, isang steal at isang block para sa ARQ, habang kumana si Juntilla ng 16 markers, 10 boards, dalawang assists at isang agaw. (Abante Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.