Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JuRald, BeaDom, JulCoco karera sa pag-amin

0 57

Sino nga kaya sa may mga bagong karomansahang kinabibilangan nina Coco Martin at Julia Montes, Bea Alonzo at Dominic Roque , Julia Barretto at Gerald Anderson ang unang aamin?

Siyempre, millennial na kaya ang mga dramang what you see is what you get, read between the lines at ang less than lovers but more than friends ay tunay na nakakairita. Mas nakakabwisit lalo ‘yung kahit na artista kami, we are still entitled to our own privacy.

Privacy my foot! Eh sangrekewa ang mga larawan na posted sa respective IG sites niyo at ang mga mahuhusay niyong fanatics at followers, super connect the dots patungkol sa mga relasyon na diumano ay nasa dilim.

Sa tatlong nasa romantic relasyon, bagyo ang pinagdaanan nina Martin at Montes. Marami ang nanalig na may supling na ang dalawa. Hindi ba’t may feeding bottle sa likuran ni Rodel dati sa isang larawan at ang mga dalahira, nag-therefore conclude agad na sa “anak” niya iyon? Na parang imposible na may mga sanggol na pamangkin si Nacancieno na kasama niya sa bahay kaya may nahagip na feeding bottle sa larawan, huh!

Delubyo naman at “you and me against the world” ang pagmamahalang Barretto at Anderson. Bukas na aklat naman ang kanilang kasaysayayn. At mas lalong bukas na bukas ang mga larawan sa kanilang mga social media site kung saan tila laging nasa iisa silang lugar.

Open si Julia na magkaanak na . Kamakailan, may pangmalakasang kuda si Gerald sa nasa niyang magka-pamilya na.

Coincidental o planado bang lahat ang mga pahayag nilang ito? At ikakatuwa ba ng mga sumusuporta kay Joshua Garcia na diumano, ang dance clip nito, pinanood nina La Barretto at El Anderson?

Eh ang Alonzo at Roque na dining out together here, there and every where? At ang mga beach photo sa isang pang-mayaman at eklusibong isla kung saan may kuha si Bea, pagkatapos may photo for posteritu rin si Dominic, ano namang paandar yun?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung ang tatlong loving, loving couples na ito ay tila “ikinahihiya” ang the state of their relationship status, ang diva that you love, patungkol sa kung sino ang mauunang umabot sa finish line at aamin, ang walang dudang liyamado, sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Yun na! Babu na agad at uuwing luhaan ang tatlo lalo na nga’t master at mistress sa social media paandar ang Ramsay-Adarna coupling, huh!

Hindi ba may payanig na ang best friend ni Derek na “in love” na nga ito sa nanay ni Elias. Alam na natin ang kasunod.

SB19 maya bagong pasabog

Alam kong popular ang singing ang all male singing group na SB19. Ang nakaka-shookt, hindi lang pala sila popular sa mga Pinoy millennial, may international following pala sila talaga,

Siyempre pa, hindi sila pwedeng pagtaasan ng collective kilay dahil nga sila ang itinututing ng Kings of P-Pop. Ilan sa kanilang feats ay first Filipino group sa international entertainment at music bible Billboard bilang Next Big Sound chart at first Southeast Asian act na pasok sa top 10 Billboard Social 50 weekly at year-end charts.
Matapos mag-premiere ang kanilang “Ikalawang Yugto” teaser clip isang araw matapos ang araw ng romansa at mga pusong may pag-ibig at pumapag-ibig, may more than 1 million views na ito at grabe ang hosanna mula sa mga international reactor.
Sa Twitter naman, super ship ang kanilang fans kina Stell Ajero at Ken Suson. Kinikilig ang followers nila sa bromance na meron ang dynamic duo.

Hindi na rin nagtaka ang diva that you love kung bakit nayanig ang YouTube universe sa “Ikalawang Yugto” video nila. Maangas yet mamahalin. Best in androgynous look at super fashion forward ang kanilang outifits. May unfurling of the capes, runway manner of walking, leopard print kung leopard print ang suot na outfits, very femme ang hair pero homme pa rin ang over all impact.

SB19 wants to say that their music and look now braver, bolder and even borders on the gender bender pero Pinoy pop at its finest and most fierce and fabulous.

Leave A Reply

Your email address will not be published.