Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JuRald nagtukaan sa putukan

0 366

Hindi na kailangan ng mahabang caption sa huling Instagram post ni Julia Barretto. Sa isang maikling video ay makikita agad ang sweetness nila ng dyowa na si Gerald Anderson.

Pinost kahapon ni Julia kung paano nila sinalubong ni Gerald ang bagong taon.

Ang eksena ay pang-pelikula: habang nasa ilalim ng fireworks display, isang malagkit na tingin ang ibinigay ni Julia sa kasintahan .Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay nauwi ito sa isang malupit na tukaan.

Kilig naman agad ang mga netizen sa naturang video, na matapos lang ang apat na oras ay mahigit 676 views na sa Instagram.

Marso 2021 nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon. (Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.