Abante Tonite Interactive

Just the hymen lang ba talaga?

577

Dear Dra. Holmes:
(extremely shortened Sept. 28 letter)
I don’t see why people love sex. It hurts but I just can’t wait for my hymen to break so that I can finally find out how good sex should feel. I am 34 years old, btw. No boyfriend yet, but many friends who are willing to help me. No hormonal or biological issues as far as I know.
Linda

Dear Linda:
Salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo noong nakaraang Sabado Setyembre 28. Sa huling kolum ko noong Setyembre 29, sinabi ko na hindi lang ang hymen ang nagdudulot ng sakit sa first time na pagsiping ng babae. Maraming mga babae na wala nang hymen na nasasaktan pa rin. Sa katotohanan lang, wala pa akong nakitang babae na hindi nakaranas ng sa­kit kahit na gaano kaga­ling ang kasiping niya, basta first time. Nagbigay rin ako ng mga solusyon, kunwari ang hymen mo talaga ang problema.

Pero hindi natin alam dearest Linda, kasi hindi ka pa pumupunta sa kahit sino para magpatingin. Kailangan mong gawin ‘yun, para malaman mo talaga kung ang hymen ang pinakamalaking problema mo, kung ang hymen mo talaga ang dahilan kaya hindi makapsok ang ari ng partner mo, o mayroon pang ibang dahilan.

Maaari ring mayroon kang hymen na talagang maproblema, pero hindi lang ito ang problema mo. Natanggal ang una mong problema (ang hymen mo) pero mayron pang ibang problema. Kasi, hindi naman tayo napakasimple na ang lahat ng ating problema ay mayroong isa lang dahilan, ‘di ba? FINAL INSTALLMENT TOMORROW

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.