Abante Tonite Interactive

Justin atat na sa Gilas jersey

213

‘Di man opisyal na kasama sa pool at lalong ‘di pa sertipikadong naturalized player, ear-to-ear ang ngiti ni Justin Brownlee na magsuot ng blue colors ng Gilas Pilipinas.

Suot ang No. 31 jersey, dumating ng Meralco gym sa pasig Lunes ng gabi ang resident import ng Ginebra para maki-ensayo sa pool na hawak ng coach niya sa PBA na si Tim Cone.

“Coach Tim invited me and it was an honor to practice and being around with these guys,” ani Brownlee, 31.

Ipinanganak sa Tifton, Georgia si Brownlee, nakalistang 6-foot-7 at ginagamit ng Gins sa Commissioner’s at Governors Cups.

Matagal nang nagpahayag ng interes si Brownlee na maging naturalized player ng Pilipinas.

Habang hinihintay kung maisusulong ang naturalization process, masaya lang si Brownlee na makatulong sa team na naghahanda para sa 2019 SEA Games men’s basketball na iho-host ng Pilipinas sa December.

“I like the color,” nakangiting sabi ni Brownlee sa kanyang Gilas jersey. “Hopefully, I can sport it one day in a real game.” (VE)