Abante Tonite Interactive

Justin Bieber matindi ang depresyon

By
0 233

Ibinahagi ni Justin Bieber ang pinakabagong kaganapan sa kanyang buhay.

Tungkol ito sa pakikibaka sa matinding depresyon. Sinabi ni Justin na pilit niyang pinaglalabanan ang nararamdaman kaya humihingi siya ng panalangin sa kanyang mga tagahanga.

Noong Sabado nang gabi, nag-post ng larawan na yakap-yakap siya ng kanyang manager at ng American rapper na si Kanye West.

“Just wanted to keep you guys updated a little bit hopefully what I’m going through will resonate with you guys,” caption niya.

“Been struggling a lot. Just feeling super disconnected and weird,” pag-amin ni Justin sa mahirap na pinagdaraanan.

“I always bounce back so I’m not worried just wanted to reach out and ask for (you) guys to pray for me,” dagdag pa ng 25-year-old singer.

Aminado naman si Justin na sumasailalim siya sa isang gamutan para sa depresyon sa huling pa­nayam niya sa Vogue. Halos isang buwan na rin ito.

Kung babalikan ang kanyang nakaraan, si Justin ay hindi kailanman nagkaroon ng isang normal na buhay dahil sa maaga niyang katanyagan.

Kinumbinse ng asawang si Hailey Baldwin si Justin na kailangan niya ng propesyonal na tulong para bumalik sa normal ang kanyang kaisipan at sa tulong na rin ng kanilang pastor.

“God is faithful and ur prayers really work thanks .. the most human season I’ve ever been in facing my stuff head on,” pahayag ng ni Hailey.

Isa raw sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon na si Hailey na ipagamot si Justin dahil sa kanyang sleep patterns.

Naobserbahan kasi ni Hailey na hindi na normal na madalas na tulog ang asawa. Hirap itong bumangon o tumayo sa kama na kadalasan ay tanghali na o kaya naman ay hapon na gumigising.