Abante Tonite Interactive

Justin bumalik sa pagkanta

0 239

Si Justin Bieber ay bumalik na sa paggawa ng musika. Ito’y pagkatapos niyang ipahayag noong isang buwan na pansamantala muna siyang mamamahinga sa music scene. Ang 25-taong gulang na pop superstar ay nag-record ng isang awitin kasama ang rapper/comedian na si Lil Dicky at inaasahang ilalabas na ito sa susunod na linggo.

Ang awit ang magiging una mula pa nu’ng huli siyang gumawa ng kanta sa pakikipagtulungan sa mga rapper na sina DJ Khaled, Quavo at Chance noong Hulyo para sa No Brainer album.

Ang mang-aawit ng “Sorry­” ay ni-retweet ang IG post ni Lil Dicky noong Martes na nagsasabing, “New song and video next week.”

Si Justin ay hindi naglabas ng solo album mula pa nang ilabas niya ang Purpose album noong 2015. Ngunit bukas-palad na ipinagkaloob ng Canadian songster ang kanyang vocal talents bilang tagatulong sa maraming mga nag-hit na awitin sa chart.

Mabilis namang nagpakita ng kanilang suporta sa batang superstar ang mga fan.

“I always bounce back so I’m not worried just wanted to reach out and ask for your guys to pray for me.

“God is faithful and ur prayers really work thanks .. the most human season I’ve ever been in facing my stuff head on,” dagdag pahayag pa ni Justin. (Lourdes Fabian)