Abante Tonite Interactive

Justin-Hailey kumuha ng marriage license sa NYC

By
0 777

ttKALAT na sa Hollywood showbiz world ang umano’y pagpapakasal nina Justin Bieber at Hailey Baldwin.
Ang balitang kasal na sila ni Bieber, ay nilinaw ni Baldwin.

Aniya sa kanyang Twitter account: “I understand where the speculation is coming from, but I’m not married yet!”
Nabalitang ikinasal ang young couple nang bumisita sila sa marriage license courthouse sa New York City nu’ng Setyembre 13.

Inilathala ng TMZ ang isang larawan ni Justin at Hailey na pumasok sa isang courthouse ng lisensya sa kasal sa New York City.

Ayon pa sa source, naging emosyonal pa raw si Bieber habang sinasabi sa fiancée: “I can’t wait to marry you, baby.” Pinasalamatan pa raw ng singer ang opisyal ng korte.

Klinaro ni Baldwin sa kanyang social media account ang haka-hakang kasal na sila ng singer. Sinabi niyang hindi pa siya kasal kay Bieber.

Kumuha sila ng marriage license sa New York na valid ng 60 days. Kaya may posibilidad daw na magpalitan ng “I do” ang dalawa within the next few weeks.

Pinaghahandaan na rin ni Baldwin kung sino ang magde-design ng kanyang wedding dress. Maraming sikat na designer ang may gustong gumawa ng wedding gown ng modelo. Hindi pa binabanggit ni Baldwin kung sino sa mga designer ang magtatahi.

Kinumpirma naman ng modelo na ang older sister na si Alaia ang kanyang bridesmaid at sana raw ang 10-year-old sister ni Bieber na si Jazmyn ang maging flower girl.

Wala pang confirmation sa couple kung saan sila pakakasal. Pero ibig daw ni Baldwin na woodsy ang venue ng kasal nila ni Justin. “I think having it in the woods would be so beautiful.”

Refresh lang ng relasyon ni Baldwin at Bieber. Nag-propose ang singer sa modelo nito lang summer sa Bahamas.
After engagement proposal, nag-post si Bieber sa kanyang Instagram, “You are the love of my life Hailey Baldwin and I wouldn’t want to spend it with anybody else.”

Kaya lang pagmamadaling pagpapakasal ng young couple ay nagkaroon ng espekulasyon. Umano buntis daw si Hailey.
Klinaro naman ng source sa TMZ, “100 percent she’s not pregnant.” Hindi lang daw naniniwala ang young couple sa long engagement. ()