Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Justin inspirado sa Sapporo

0 44

Sariwa pa sa best-finish na 12th place tie sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 19th leg ¥110M (P50M) 49th Fujisankei Classic sa Shiga Prefecture noong Linggo, ganadong sasabak si Justin delos Santos sa 49th leg ¥100M (P45M) 47th Ana Open Golf Tournament sa papasok na Sept. 16-19 sa Hokkaido.

Kinailangan pa ng Fil-Am shotmaker na kinakatawan ang ‘Pinas ang pagsapol sa kanyang 26th birthday sa Fujisankei opening noong Sept. 2. Sinustena niya ang magarang start sa apat na araw patungo sa mataas na pagtatapos sa may dalawang taong pagkampanya sa mayamang region men’s pro circuit.

Patungo sa puwestong iyon na nagkakahalaga ng ¥2,442K (mahigit P1M), ang previous best niya ay 20th sa Dunlop Phoenix noong November sa Miyazaki. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.