Abante Tonite Interactive

Justin naluha kay Billie Eilish

458

Kung mayroon man nais protektahan ang singer na si Justin Bieber, yun ay ang bagong singer na si Billie Eilish. Emosyonal ang naging pahayag niya sa Apple Music DJ-producer na si Zane Lowe.

Aniya, “I definitely feel protective of her. It was hard for me, being that young and being in the industry and not knowing where to turn and everyone telling me they loved me, and just turning their back on you in a second.
“Yeah, it’s hard, because I want her to know that she can count on me. But at the end of the day I’m never going to force myself to be in a relationship with her, it has to be natural, right? So I just kind of let her do her thing and if she ever needs me, I’m gonna be here for her, but just protecting those moments because people take for granted encounters,” dagdag pa niya.

Naluha pa ang aktor sa pagnanais na maprotektahan ang sumisibol na singer. Ayaw niyang pagdaanan nito ang naranasan niya noong nagsisimula pa lamang siya. Sey pa niya, “I just wanna protect her, you know? I don’t want her to lose it. I don’t want her to go through anything I went through. I don’t wish that upon anybody. So if she ever needs me, I’m just a call away.”

Mukhang na-touch naman si Billie sa sinabi ni Justin.Nag-post ito sa kanyang Instagram ng mga larawan ni Justin sa kanyang kuwarto. Naging inspirasyon niya ito para pasukin ang industriya ng musika. (Ronaline Avecilla)