Abante Tonite Interactive

Justin nanuhol sa panloloko kay Jessica Biel

570

Sa mamahaling regalo dinadaan ni Justin Timberlake ang kanyang asawa na si Jessica Biel. Napagtanto siguro niyang kinakailangan niyang bumawi sa asawa matapos ang PDA Scandal na kinasangkutan nito sa co-star na si Alisha Wainwright.

Ayon sa report ng Us Weekly, inaayos ng singer ang relasyon niya sa asawa. Binibigyan ng bonggang mga regalo.

Sinisiguro rin ni Justin na hindi mawawalan ng self-confidence ang asawa dahil sa ginawa niya. Kaya naman ay madalas niya na itong pinadadalhan ng mga sweet messages at sinasabing siya ang pinaka-hot na dyowa sa buong mundo.

Patuloy na pinaparamdam ni Justin sa asawa ang sinseridad nito sa pitong taon nilang mag-asawa at sa anak nila na si Silas. Mukha namang napapatawad na ni Jessica ang asawa. Nagpakita pa nga si Justin ng suporta sa premiere night ng show ni Jessica na “The Sinner”. (Rona Avecilla)