Abante Tonite Interactive

Justin Timberlake, Missy Elliot doktor na

423

Nag-uumapaw ang kaligayahan nina Justin Timberlake at Missy Elliot nang sila’y magtapos ng kanilang Doctoral degree in Music sa prestihiyosong Berklee College of Music sa Massachusetts. Ang pop star at rap queen – ang unang hip-hop artist na tumanggap ng karangalang ito mula sa Berklee. Dahil dito, deserve nila ang mag-celebrate kasama ang mga kawani at estudyante ng Berklee.

Halatang feeling nasa cloud nine pa rin ang 38-year-old Grammy award-winning singer na si Timberlake sa kanyang ipinost sa Instagram. Proud na proud siya sa pagsasabing isa na siyang doctor……

“No Dream is too big!!! Keep chasing!!! Trust me…I’m a DOCTOR!! But, for real…THANK YOU to @berkleecollege for this incredible honor – I’m very humbled and grateful.”

“When I was young I felt like a weirdo. I felt like I didn’t belong,” pagbabalik-tanaw niya sa kanyang speech.

Naging emosyonal si Justin at bahagyang natigil ang kanyang speech nang mabanggit ang kanyang asawa…

“I said I wasn’t going to cry!”
Pinuri niya at pinasa-lamatan ang asawang si Jessica Biel at ang kanyang inang si Lynn Bomar Harless.

“I look around this room and I feel like I found all the rest of the weirdos. You’re all right here! You know what I mean? It only took me 38 years,” bahagi pa rin ng kanyang talumpati.

Tinapos ni Justin ang kanyang speech sa pamamagitan ng isang matalinhagang mga pananalita na pinalakpakan nang husto ng mga kabataan niyang tagahanga.

“I hope that in the years to come, two things will happen: One, I will represent you in the way that you most hope for. And two, I look around and see this graduating class. Meet me at the studio. I want to see y’ all!”
Gayundin ang 5-time Emmy-winning singer-songwriter na si Missy Elliott. Nag-post siya sa kanyang Instagram account.

“CREATE YOUR OWN LANE!!!! Sincerely Dr. MISSY ELLIOT.”

Kasama rin ng dalawang artist ang composer ng mga kanta sa pelikulang “The Greatest Showman” na si Alex Lacamoire.

Maliban sa kanilang pagtatapos, gagawaran din sina Timberlake at Elliot ngayong June 13 ng Songwri-ters Hall of Fame. Sila’y magiging inductees at mapapabilang na sa orga-nisasyon. (Lourdes Fabian)