Abante Tonite Interactive

Justin Timberlake nagsisi sa lampungan

458

Naglabas ng public apology ang American singer na si Justin Timberlake sa kanyang Instagram. Ito ay matapos siyang maispatan na nakikipag-holding hands sa kanyang co-star na si Alisha Wainwright sa New Orleans Bar.

Ayon sa source ng Hollywoodlife, naramdaman ni Justin na dapat siyang humingi ng tawad sa publiko lalo na at nag-alala ang mga ito para sa asawa niya na si Jessica Biel.

Hindi ito maganda para sa asawa niya at sa anak nila na 4-year-old na si Silas. Lumalabas kasi na may namamagitan kay Justin at sa co-star niya kaya’t agad niya itong nilinaw sa kanyang public apology.

“A few weeks ago I displayed a strong lapse of judgement – but let me be clear – nothing happened between me and my co-star,” paglilinaw ni Justin sa kanyang Instagram.

Dagdag pa niya, “I apologize to my amazing wife and family for putting them through such an embarrassing situation, and I am focused on being the best husband and father I can be.”

Inamin din niya na nalasing siya nang sobra at labis na pinagsisisihan ang kanyang inasal. Hindi umano ito ang nais niyang maging ehemplo para sa nag-iisang anak. (Ronaline Avecilla)