Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JV Ejercito ‘lucky 9’ sa Pulse Asia

0 81

Habang papalapit na ang halalan, siya namang paangat sa posisyon ni dating Senador Joseph Victor “JV” Ejercito, batay sa bagong Pulse Asia survey.

Matapos makuha ang pang-14 na puwesto sa February Survey at pang-12 naman noong Marso, umakyat na ngayon si Ejericto sa ika-9 posisyon sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Abril 16-21.

Mula nang magsimula ang kampanya noong Pebrero, pataas nang pataas ang ‘trajectory’ ng posisyon ni Ejercito sa mga survey.

Noong Marso, pang-pito si Ejercito sa OCTA Research’ March 5-10 survey. Bago ito, pang-12 si Ejercito sa naturang survey na isinagawa noong Pebrero 12-17.

Samantala, pang-pito si Ejercito sa SWS survey noong Pebrero 25-28 habang pang-walo naman sa Advocacy Center Pulso ng Pilipino senatorial survey nsa ginawa noong Marso 17-13.

Bago magsimula ang campaign period, si Ejercito ay pang-13 hanggang pang-18 sa mga senatorial survey.

Pinasalamatan naman ni Ejericto ang kanyamg mga kaibigan, mga dating kasama sa Kongreso at mga masugid nitong mga supporter na walang sawang tumutulong sa kanya sa kampanya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.