Abante Tonite Interactive

JV: ‘Experiment’ ng tatay ko si Jinggoy

1,179

May patama si Senador JV Ejercito sa kanyang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa isang talumpati kamakailan, ginamit ni Ejercito bilang pampatawa sa audience­ ang hitsura ni Estrada na umano’y produkto ng pag-eeks­perimento ng kanilang amang si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.

“May kasabihan tayo na improvement of the race. Kasi po alam nyo naman ang aming ama si President Erap bago pumasok ng larangan ng politika, bago pumasok sa public service he was one of the more popular actors, tama?. Kasabay ni Fernando Poe, talagang guwapong-guwapo.” pagkukuwento ni Ejercito.

Abante Hiring – IT dep

“Noong mga panahong iyon, isa siya (Erap) sa pinakaguwapo. As a result marami tuloy naging supling. Iba ibang korte, iba ibang hitsura, iba ibang kulay so kami po iyon. Ang masasabi ko lang, totoo yung improvement of the race kasi yung mga unang produkto parang experimental pa lang, ako po nasa kalagitnaan na.” sundot pa ng senador.

“Hindi ko naman sinasabing ako ang pinakaguwapo kasi yung mga bata ngayon talagang guwapo na. ang gaganda ng katawan, mestizo, guwapong guwapo na,”dagdag ni Ejercito.

Depensa naman ni Ejercito sa panayam ng Tonite, joke lang ito at gusto lang niyang buhayin ang crowd.
Pero hindi naman nagustuhan ni Estrada ang mga sinasabing joke ni Ejercito sa speech.

Gayunman, tumanggi namang buweltahan ni Estrada ang kanyang kapatid maliban sa pagsasabing: “Secure ako sa mukha ko.”

Kasal si dating Pangulong Estrada kay dating first lady at ex-senator Luisa ‘Loi’ Pimentel kung saan ang anak nila ay sina Jinggoy, Jackie at Jude.

Si JV ay anak naman ni Erap sa nakarelasyon na si San Juan City Mayor Guia Gomez. May iba pang anak si Estrada sa ibang nakarelasyon.