Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JV, Jinggoy agawan sa Estrada sa 2022

0 96

Posibleng magkakaroon ng dalawang Estrada sa listahan ng mga tatakbo sa pagka-senador sa 2022 national election.

Ito’y matapos aminin ni dating Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na gagamitin niya ang apelyido na kanyang amang si dating pangulo at Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sakaling matuloy ang kanyang muling pagsabak sa Senado sa susunod na eleksiyon.

“Kailangan pareho [Ejercito-Estrada]. Kasi pag Ejercito lang hindi kilala sa rural areas. Bagsak ako sa survey ngayon kasi Ejercito lang,” pahayag ni Ejercito nang tanungin ng Abante kung muli nitong gagamitin ang apelyidong Estrada sa kanyang senatorial bid.

Kung pinal na ang desisyon ni Ejercito na sumabak sa kanyang senatorial bid, asahan nang dalawang Estrada ang makikita sa balota sa susunod na halalan.

Nauna nang nagpahaging ang half-brother ni Ejericto na si dating Senador Jinggoy Estrada na muli siyang tatakbo sa pagka-senador sa 2022. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.