Abante Tonite Interactive

JV, Jinggoy parehong talunan, nagbangayan pa

951

Nagbangayan sa social media ang magkapatid sa ama na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada kasunod ng kanilang pangu­ngulelat sa bilangan kaugnay ng katatapos lang na senatorial election.

Napansin ni JV na tila may patama sa kanya ang kapatid na si Jinggoy sa pahayag ng huli ng kanyang pagsuko sa senatorial race.

Sa pahayag ni Jinggoy sa Facebook, pinasalamatan nito ang kanyang mga tagasuporta sa eleksyon at tinatanggap ang pagkabigo sa kampanya.

Pinaabot nito ang pagbati sa mga kapartido niya sa Hugpong ng Pagbabago na sina Bong Go, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Francis Tolentino at Imee Marcos, na pare-parehong bago sa Senado.

Isinama rin ni Jinggoy ang pangalan ni Senador Nancy Binay sa mga nanalo kahit pa nasa 12th spot ito sa unofficial tally ng Commission on Elections at may posibilidad pang malaglag sa top 12 dahil hindi pa tapos ang official count.

“Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Keep it up! You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend,” ani Jinggoy.

Sa Twitter naman ni JV, tila nagpa­tutsada ito sa kanyang kapatid matapos tawaging ‘better’ ni Jinggoy si Nancy.

Giit ni JV sa Twitter, “I am still…The Good One”. Mayroon din itong simpleng tweet na “Bitter” na napansin naman ng netizen na para sa kapatid ng senador.

Ayon sa netizen na si Siegfried Alemania, @kesosuppafly “I know.. I’ve seen the news. And I laughed so hard. Instead of saying ‘me and my bro want to thank everyone who supported us.’ Mas pinili pang sabihing ‘belat, talo ka ni ano. Congrats ano.. kasi mas nakapasok ka’ pinakita lang na ikaw talaga and always will be ‘THE GOOD ONE!’” (Ray Mark Patriarca)