Abante Tonite Interactive

JV at PAO chief, nagkabati sa tweet

By
3,185

Nagkaliwanagan na ang kampo nina Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito at Public Attorney’s Office (PAO) Chief, Persida Acosta kaugnay sa isyu ng imbestigasyon sa Dengvaxia issue.

Sa tweets ng senador, muling nilinaw nito na hindi niya ipinatitigil ang pagsisiyasat sa Dengvaxia at sa halip nais pa nitong managot ang mga responsable sa mabilisang pagbili ng bakuna.

Gayunman, nag-aalala aniya ito sa epekto ng Dengvaxia scare sa iba pang immunization program ng Department of Health (DOH).

“Madame (Acosta) I admire your determination in fighting for the Dengvaxia victims. Was just worried about the other immunization programs that have been affected. We are on the same boat, those responsible for the dengvaxia fiasco has to be brought to justice! Mabuhay po kayo!,” tweet ni Ejercito.

Sagot naman ni Acosta sa tweet “God bless you and ur family Sen JV!”

Samantala, sa thread din ng tweets na ito, nangako si Dr. Tony Leachon na makikipagtulungan sa kampanya para suportahan ang DOH immunization programs.

“Excellent Sen. JV. We will help campaign to support DOH immunization programs but we pray that you support accountability of the ongoing senate probe on dengvaxia. Thank you,” saad ni Leachon.

“I don’t think I changed my position on the accountability issue. Been very consistent. Even I was under attack because I was misunderstod on my concern for a future health issue,” sagot naman ni Ejercito.