Abante Tonite
Mabilis sa Balita

K-12 grad hilaw pa sa kolehiyo – CHED

0 113

Dahil sa kapalpakan ng module, hindi pa umano handang pumasok sa kolehiyo ang mga nagsipagtapos sa K-12 program base sa ginawang pag-aaral ng Cagayan State University (CSU) at Commission of Higher Educa­tion (CHED).

Ayon sa mga opisyal ng CSU at CHED, nasa 7,384 na K-12 graduates na pumasok sa CSU noong 2019 ang sumailalim sa College Readiness of Filipino K-12 Graduates Study sa pamamagitan ng K-12 Re­search Program ng CHED.

Sa pahayag ni Dr. Anto­nio Tamayao, professor at research team leader, malaki ang porsiyento ng mga su­mailalim sa pagsusulit ang hindi pa handa sa kolehiyo na katumbas ng 4,556 o 61.7 porsyento at isa sa mga da­hilan dito ay kahinaan ng high school students sa pagsagot sa module.

Sinabi pa ni Tamayo, nasa 2,828 o 38.3 porsyento la­mang ang mga handa nang pumasok sa kolehiyo. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.