Abante Tonite
Mabilis sa Balita

K-Drama nangopya kay Jonghyun

0 323

Hindi nakaligtas sa mga tagahanga ng namayapang lead singer ng SHINee na si Jonghyun ang isang eksena sa drama na “It’s Okay To Not Be Okay.”

Sa comeback drama na ito ni Kim Soo Hyun, may eksen na nakita niya na naninigarilyo sa non-smoking area ang character ng actress at sinabihan itong bawal ‘yun.

Sinagot siya ng actress ng linyang “Do you believe in fate? Fate is nothing special. If you appear when I need you, that’s fate.”

Nagpoprotesta ngayon ang mga tagahanga ng namayapang singer. Ayon sa mga ito, nag-plagiarize raw ang writer ng drama. Ang nasabing linya raw ginamit ay ang mensahe ni Jonghyung sa ginawa nitong letter para sa kanyang mga fan, noong magkaroon ng solo concert.

Sa letter raw ni Jonghyun, ganito ang saktong pagkakasabi, “So what I’m saying is… I don’t think fate is anything special. What we are is fate.”

Nagde-demand ang mga fan na dapat daw ay i-address ng producer ng drama ang isyu ng plagiarism. Nagti-trend na rin ang hashtag na “#address the plagirism_of Jonghyun’s letter_in it’s okay.”

Sa kabila naman na may mga nagki-claim nga ng plagiarizing sa drama, binibigyan naman ito ng posibilidad ng iba na baka raw coincidence lang ang nangyari.

Ikalawang isyu ng mga netizen at viewer ang plagiarism sa tvN’s “It’s Okay Not To Be Okay” .

Sa naunang four episodes pa lang nito, ipinagpapalagay ng ilang viewers na marami raw eksena sina Seo Ye Ji at Kim Soo Hyun na “sexually harrasment” at inappropriate.

Sinagot naman ito ng production na rerebyuhin nila ang mga eksenang ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.