Abante Tonite Interactive

K-drama ni Lee Seung Gi hinihingan ng part 2

420

Halos lahat ng nanood ng Korean action/drama na “Vagabond” sa buong mundo ay nagde-demand ng season 2.

Nag-finale episode na ang Vagabond noong Sabado ng gabi, 10 PM K.S.T. sa SBS channel at sa Netflix worldwide. Nag-top 1 ito sa lahat ng programang ipinalabas no’ng araw na ‘yun .Nag-trending din sa maraming bansa tulad ng Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore at Philippines.

Makokonsider pa rin na ang Vagabond ang isa sa pinakamagandang k-drama ng 2019 . Ito’y pinagbidahan nina Lee Seung Gi at Bae Suzy, pero, talagang marami ang “nawindang” sa ending.

Napakahusay ni Lee Seung Gi na gumanap bilang si Cha Dal Gun. Ganoon din si Suzy na masasabing nag-improve ang acting sa Vagabond.

Dahil dito, nagde-demand ng season 2 ang mga tumangkilik sa nasabing drama. Bilang lang sa daliri ang nagkakaroon ng part two.Pero dahil Netflix produced din ang Vagabond posibleng mangyari gaya ng Kingdom, Arthdal Chronicles at iba pa.

Sinagot naman ng staff ng Vagabond ang posibilidad na magkaroon ito ng season 2. Isang source mula sa Celltrion Entertainment ang nakausap ng OSEN.

Ayon dito, “The production period was very long, so everyone’s feeling both relieved and sad. The production process took 11 months, and if you count the planning period, it’s a lot longer than that.

“Vagabond” came to a close with an open ending and made viewers hope for a second season. It was planned and produced with a second season in mind. However, season two has not been confirmed, and it’s currently being reviewed. We are reviewing the schedules of the actors, writers, and directors.”