Abante Tonite
Mabilis sa Balita

K iniyakan ang pinakawalang P7M

0 77

Umiyak si K Brosas sa Zoomcon nang tanungin kung gaano kasakit ang nararamdaman sa pinagdaanan niya sa pagpapagawa ng kanyang bahay sa Quezon City.

Nauna nang napabalita na nagsampa siya ng demanda sa contractor na naka-deal niya para gawin ang kanyang bahay.

“Napaka-simple lang po ng bahay, wala pong swimming pool, para sa amin lang po ng anak ko. Ang pinaghandaan ko lang po du’n, ‘yung walking closet, tapos ‘yung mala-spa ng banyo. ‘Yun lang.

“Tapos, puro pangako. So, ‘yung anxiety disorder ko, nag-peak. Tapos, siyempre, mga naging kaibigan mo kaya mas masakit,” pahayag niya habang tumutulo ang luha.

Sa pahayag ni K sa mediacon, mahigit 7 million pesos na ang kanyang naibigay sa contractors pero inabandona umano ang kanyang bahay at hindi na tinapos.

Ang masakit pa nito, kaibigan niya ang pinagkatiwalaan niya.

Sey niya, 2018 daw nang simulan na ipatayo ang bahay.

“Binayaran ko in one year, buo, cash, and then, dapat tapos na siya , may kontrata naman po kami, legal lahat. Hindi natuloy, hindi natapos. Siyempre, stress ‘yun, di ba? Kasi nakapagbayad na po tayo ng malaking halaga,” bulalas niya.

Buo ang perang pinakawalan niya dahil ayaw niya ng loan sa banko o kaya ay mangutang.

Pero sa ngayon, wala pa raw 35% ang naitayo sa kanyang bahay at diumano’y inabandona na .

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang beses daw niya itong kinausap at pinagbigyan ang mga dahilan nila pero sa bandang huli ay lumabo na ang situwasyon. Dahil dito, umabot na siya sa legal action.

Ayaw pang banggitin p ni K kung ano ang kasong isinampa niya base sa payo ng lawyer at kung sino-sino ang taong sangkot.

Sa ngayon ay naghihintay raw siya ng sagot mula sa contractor base sa reklamong sinampa niya.

By The way, may show si K na Sing Galing at LOL ng TV5. May pampamilya rin siyang pelikula na “Will You Marry” kasama si Elisse Joson na kinunan pa sa Denmark.

Joey bilib sa Lacson- Sotto tandem

Winner talaga ang linya ng Eat Bulaga dabarkads na si Henyo Master Joey de Leon. Kahit sa campaign launch ng Panfilo Lacson-Tito Sotto tandem noong nakaraang linggo, malaman pa rin ang binitawang salita.

May mga nagtatanong kung pina-feng shui daw kaya nina Ping at Tito ang napiling nilang petsa sa campaign launch dahil ginawa ito noong September 8. Alam naman siguro ng marami na itinuturing “lucky number” ang 8.

Mukhang napaganda pa nga ang pagpapaliban nila sa unang petsa na napili sana nila ng campaign lunch na August 4. Bukod sa “ghost month” ito,hindi rin malakas sa feng shui ang 4.

Marami naman ang nakapansin sa mensahe ng Henyo Master tungkol sa husay ng minamanok niyang presidente at bise presidente.

“Pagkakakilala ko kay Tito, para sa aming grupo isang magaling na lider o pinuno. ‘Yan ang huwaran namin pagdating sa kamag- anak o sa pamilya. Basta alam ko magaling si Tito, ganundin si Ping. Kaya one good plus one good eh ‘two/too’ good. Masyadong magaling,” sambit pa ni Joey.

Leave A Reply

Your email address will not be published.