Abante Tonite
Mabilis sa Balita

K may giyera kay Mocha

0 772

NI: ALWIN IGNACIO

Marami ang nagbunyi sa pagkabog ni singer comedienne K Brosas sa isang self-proclaimed blogger.

The WHO ang blogger? Hayaan na lang natin siyang hindi makilala ng mga TONITE readers dahil hindi namang kumikilos ayon sa kanyang ganda ang nasabing non entity.

Hindi kasi makapaniwala si Brosas na ang isang Twitter account na carrying the name of Mocha Uson Blog, grabehan ang mastery sa King’s language. PhD levels ang written English kaya may comment si Brosas na: “Tehh alam namin na hindi ikaw to. Asan ka ba? Paki galaw yung baso.”

As expected, patola ang paboritong gulay ni blogger who gives blogging a band name dahil nga ang reaksyon nito ay nagpapansin lamang si Brosas para maging relevant kasi nga wala na itong mga raket.

Ang kuda ni K “Lol! Sensya na May mejo malaking virtual concert ako soon, pero dito pa rin akey kahit papano.. kaya I think may relevance naman kc dami pang raket at Di ako government official.. Asan c mocha? Kahit proof of purchase man lang na May ganap sha kc kahiya naman SA tax namin noh? “

Hiwalay pa niyang tweet “Ano kinalaman NG “raket” ko kung meron man o wala?? Ano yung point? Yung pambabayad ba SA mga raket ko o entrance ehhh manggagaling ba SA tax na binayaran NG tao?? Asan na yung hinahanap namin na kami nagbayad NG pa sweldo nila? Ang layo diba? Shuta!”

“Haaay… makatulog na nga, tutal wala naman akong relevance hehe.. kc pipito Lang naman followers ko SA lahat NG socmed accounts ko kahiya naman.. nyt po! Lalo na sayo mocha or banatby keme.. baka puyat kayo kaka work nyo at OT SA office, pahinga din kayo mga tehh. Lablablab.”

Sagot ng blogger kay K,” @kbrosas eto nay pwede mong tignan lahat ginagawa ni Mocha dito, hiya naman ako sayo kaya ako na nag search, i-click mo nalang yan wag naman sana tamarin- https://facebook.com/pg/margauxmochausonph/posts.”

Rumesbak naman ang actress-komedyana ng “Ay Grabe naman pala po ang kabusyhan ni mocha no? Bakit Di namin naramdaman?? Ay baka Tamad nga kami? Sensya na.. Oh guys yan na daw mga resibo.. kayo NG bahala.. kahiya naman lalo na twitter to Di Facebook .. galing ni mocha! Yey!””

Buwelta kay K,” OFW ka ba teh??? Malamang hindi mo talaga mararamdaman. OFW kasi inaasikaso niya hindi sikat na komdeyante tulad mo.”

Hirit naman ni Brosas,“Dati akong ofw, FYI.. 3 bansa.. pero buti Di ko naranasan mga eksena ngayon.. sana research ka din SA unlimited mong “data” .. Salamat at sikat pala akey Akala ko hamak na komedyante Lang? Lol!.”

“Anyway.. alam ko naman na madaming Gising SA katotohanan.. kahit pa ano “pics at posts” nila bilang proof of purchase kuno.. sus!! Di naman yan papa talo kaya mga resibo na Lang patunay.. dami eh. Hihi.. sh____ zzzz na lang bow!”

“Ang daming replies ang mga OFW SA kalagayan nila now etc.. sensya na Di ko na retweet lahat at ma like kc sandamakmak.. yung nega?? Bilangin nyo na lang.. u can read naman lahat NG mga replies saken eh.. kaka sad haaay! Kayo NG bahala humusga.. nyt na po!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.