Abante Tonite
Mabilis sa Balita

K tanggap ang anak na tibo

0 412

May rebelasyon ang mag-inang K Brosas at Crystal.

Buong ningning na inamin nila ang gender ni Crystal sa pamamagitan ng isang video.

“Ito ‘yung birthday ko na.. I’m 45 na this year, ang anak ko is turning 23 (next) month, and ito ‘yung gift ko sa kanya. Gusto niyang mag-out, so nirerespeto ko ‘yun at sinusuportahan ko ‘yun,” lahad ni K.

“I’m gay, now out and proud,” deklara ni Crystal sabay ngiti nilang dalawa.

Aniya, matagal na niyang alam ang sexuality ng anak.

“High school pa lang, alam ko na ‘yan bilang nanay. And wala akong galit, wala akong bwisit. Tinanggap ko,” sey niya.

“‘Yung kanyang sexual preference, hindi ‘yun hadlang. Kasi nag-iisa ko lang ‘to–kahit hindi siya nag-iisa, kahit pito sila. That won’t change the fact na tanggap ko siya,” sambit pa ni K.

Related Posts

Bago i-post ang nasabing video, tinanong ng komedyana ang anak kung gusto nitong maglantad, kasi alam niyang may mga mambabatikos sa kanya. Pero aniya, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.

“Alam ko, na may ilan sa inyong babalik sa akin, even family ko. ‘Meron kang mali na ginawa, bakit ganyan lumaki anak mo?’ Alam ko na ‘yan. Pero mas importante ang kaligayahan ng anak ko, e,” saad pa ni K na tumulo ang luha.

“Ito ang gusto niya. So wala kayong pakialam, mga dimonyo kayo. Charot!” aniya pa.

May mensahe rin ang komedyante para sa mga magulang na hindi tanggap ang sexual preference ng kanilang anak:

“Please, sa mga parents na nagtatakwil sa mga anak nila dahil hindi nila kaya sa paninindigan nila ‘yung bakla o tomboy whatsoever ‘yung anak nila, maawa naman po kayo sa mga anak n’yo.

“I’m doing this kasi gusto kong mamulat (kayo) … Naba-bother ako sa ibang mga magulang na dini-disown ‘yung mga anak nila.”

“Mahalin n’yo mga anak n’yo, kahit ano pa ‘yan–kahit halamang dagat!” aniya pa. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.