Abante Tonite Interactive

Ka-live in sinaksak muna saka nagbigti

261

Matapos saksakin ang kanyang live-in partner, isang lalaki ang kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa Barangay 42, Apaya, Laoag City, Ilocos Norte noong Huwebes.

Kinilala ng Laoag City Police Station ang nag-suicide na si Randy (‘di tunay na pangalan), 53, may live-in partner, isang piggery caretaker, ng Brgy. Cavit.

Nabatid na bago ang pagpapakamatay, nagtalo ang biktima at kanyang live-in partner na humantong sa pananaksak ni Randy sa kinakasama.
Matapos ang pananak­sak, kumuha umano ang suspek ng lubid at saka nagpakamatay.

Agad na isinugod si Randy sa ospital ngunit dead-on-arrival na ito.
Ang ka-live in naman nito’y nagpapagaling ngayon sa ospital. ­(Allan Bergonia)