Abante Tonite Interactive

Ka-LQ ang gf, tibo lumagok ng silver cleaner

0 295

Patay ang isang tibo nang tumungga ng silver cleaner matapos makipag-away sa kanyang girlfriend kamakalawa nang gabi sa Temporary Housing sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-homicide section, nakilala ang biktima sa alyas Jhay, naninirahan sa Bldg. 25 sa Temporary Housing sa Vitas, Tondo.

Natagpuang walang buhay ang biktima dakong alas-9:30 nang gabi nitong Biyernes sa kanyang tinutuluyang kuwarto na unang inakalang lasing lang dahil huli umano itong nakitang buhay na uminom ng alak.

Sa report ng pulisya, nagkatampuhan umano ang biktima at ang kanyang girlfriend sa hindi pa malamang kadahilanan kaya nagawa umano nitong lumagok ng silver cleaner.

Inaalam rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)