Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ka Tunying ninakawan ang resto

0 376

Niloko pala ang mag-asawang Anthony at Rossel Taberna. Ninakawan umano sila sa kanilang restaurant business.

Sobrang sama ng loob nila sa kamalasaduhang ginawa sa kanila.

Kuwento nila sa ‘Magandang Buhay’ nagsamantala umano ang taong pinagkatiwalaan nila sa kanilang negosyo habang hirap na hirap silang pinapagamot ang anak nilang si Zoey.

Hindi raw maliit na halaga ang kinuha sa kompanya nila.

Hinahanda na nila ang legal action na gagawin sa nagnakaw umano sa kanila.

“Kumita ka ng konti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao,” deklara pa ni Ka Tunying. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.