Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ka Tunying, Rossel nagpasalamat sa paggaling ni Zoey

0 40

NI: ROLDAN CASTRO

Ang Taberna Group of Companies (TGC) na binubuo ng Filipino restoran na Ka Tunying’s, premier events at multimedia company na Outbox Media Powerhouse Corp. at Tune in kay Tunying Youtube Channel ay nag-relaunch at pinamagatang: Press Play . Ito rin ay isang pagpapahiwatig ng pagbabalik ng in-person events na matagal nang hinihintay ng marami.

Noong 2020, tulad ng ibang bahagi ng mundo, maaaring sandaling tumigil ang TGC, ngunit hindi ito tuluyang huminto. Sa kasagsagan ng pandemya ay pinilit ng TGC na magpatuloy ang negosyo. Layunin ng Press Play na ipakita ang pagbabalik ng tatlong brand sa pamamagitan ng paglalahad ng kani-kanilang mga kakayahan at pagdiriwang ng kanilang tuluy-tuloy na panalo sa nakalipas na dalawang taon.

Sa kabila ng paghina ng events industry, matagumpay na nakasabay sa agos ng pagbabago ang Outbox Media sa mga bagong demand ng kanilang larangan tulad ng hybrid events, content creation at digital advertisements. Ang paga-adapt sa trend ay isang patunay sa kahusayan, kalidad ng trabaho at work-play attitude na ibinabahagi ng Outbox Media sa kanilang kliyente ano man ang okasyon.#ExperienceOBM

Lalong pinasaya ang event dahil pinagdiwang ang ika-16 na anibersaryo ng kumpanya at ang kaarawan ng Managing Director at Chief Operating Officer nito, ang Queen of Events na si Mrs. Rossel Taberna.

Engrade rin ang Press Play dahil ito rin ang launching ng Catering by KT, ang bagong catering line ng Ka Tunying’s na nagbibigay ng masasarap na pagkain, mga putaheng mula sa mga paboritong Filipino “Panlasang Makabayan” hanggang sa nakakatakam na international cuisine. Ibibida ng Catering by KT ang kanilang mga pagkain sa ihahain na plated dinner para sa mga bisita sa naturing na gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagdiriwang ng ikapitong anibersaryo ni Ka Tunying sa ngayong buwan, dala-dala nito ang bago nitong misyon na ilapit ang masasarap na baked goods nito sa bawat Pilipino. Sa nakalipas na dalawang taon, nakipagpartner ang Ka Tunying’s sa malalaking pangalan sa food retail kung saan available na ang breads and pastries nito sa buong Luzon. Successful din ang iba pang business-to-business accounts ng Ka Tunying’s kasama ang ilang kilalang brands tulad ng Geely, Foton at maging mga ahensya ng gobyerno.

Kasabay ng digital theme at pamagat ng event na “Press Play” ay ang world premiere rin ng jingle at music video ng Tune In Kay Tunying. Espesyal na kinompose at prinoduce ito ng Youtube sensation na si Ben Barubal kasama sina Verse 1, at Evs. Layunin ng jingle na magkwento tungkol sa newsman na si Anthony “Ka Tunying” Taberna at ang impact ng kanyang Youtube Channel na nagbahagi ng kaalaman, impormasyon, at entertainment sa kanyang mga manonood.

Sa kabila ng pagsara ng kanyang home network, patuloy ang naging pag-angat ng pangalan ni Mr. Anthony Taberna sa digital world nang simulan niya ang kanyang karera bilang isang Youtuber noong 2020. Ang digital space ay nagbukas ng mas maraming pagkakataon mag-tune in sa kanya ang mga kumbachero at lalo pang dumami ang kanyang mga tagasubaybay sa Facebook na ngayon ay pumalo na sa 2.2Million followers. Ang kanyang Youtube Channel naman ay may halos 600k subscribers. Ngayong taon, sinimulan niya na rin ang kanyang Tiktok account.

Pero ang highlight ng all-in-one event na ito ay ang pasasalamat ng pamilya sa paggaling at tagumpay ng kanilang panganay na anak na si Zoey laban sa cancer. Ikinuwento ni Zoey kung paano nalampasan ng pamilya ang isang napakalaking hamon. Bumuhos naman ang pagmamahal at suporta ng napakaraming Pilipino mula sa iba’t ibang parte ng mundo para sa kanila. Bukod sa kanilang suporta, ang matatag na pananamapalataya ng pamilya sa Diyos at walang humpay na panalangin ng marami para malampasan ang pagsubok na ito.

Isang gabing puno ng kasiyahan at pasasalamat ang naganap sa pagtitipon. Matapos ang mga pinagdaanang unos, isang bagong umaga ang naghihintay para sa Taberna Group of Companies.

Leave A Reply

Your email address will not be published.