Abante Tonite Interactive

Kaaliw ang adventure ko sa Dog-In-Town Café sa Bangkok

199

Sawasdee Kha mga PETmalu readers!

Alam niyo po ba na taon-taon, mahigit kumulang 400,000 na Pilipino ang bumibisita sa Thailand para magbakasyon? Isa ito sa mga paboritong travel destination ng Pinoy dahil sa kanilang mga night market, street food at mga bonggang tourist attractions. At kung animal-lover ka, may isa pang dahilan kung bakit magandang puntahan ang Thailand – ang mga super-cute animal cafes na usong-uso ngayon doon!

Kamakailan lamang ay nasa Bangkok, Thailand ako, kasama ang a­king asawa na si Ron. May na-diskubre kaming bagong animal café – ang Dog-In-Town Café sa Ari, isang hipster na lugar sa Bangkok. Dahil maganda ang railway system doon, madali naming napuntahan ang Dog-In-Town kahit medyo malayo ito sa aming hotel.

At hindi kami na-disappoint! Napakaganda ng nasabing café – maaliwalas ang interior design, malinis ang lugar at sobrang nakakatuwa ang mga resident dogs nila! Sa harapan naman ng Café ay may malaking play area na covered with artificial grass. Dito naglalaro at nag-e-exercise ang mga doggies.

ANG “ELECTRIC DOGGY GANG” NG DOG-IN-TOWN CAFÉ
Sampu ang mga resident doggies sa Dog-In-Town. Ang kanilang mga pangalan ay hango sa mga pangalan ng estasyon ng Bangkok Skytrain tulad ng Mo Chit, Ekkamai, Bang Sue at Sala Daeng. Lahat sila ay purebred – Siberian­ Husky, Samoyed, Corgi, Standard Poodle, French Bull at Shiba Inu. Boys silang lahat pero maaamo sila. Bagama’t professional­ dog handlers ang mga staff, pinapayuhan pa rin nila ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga chikiting. Ang aso, kahit anong bait, kapag nasaktan ay maaring mangagat.
Kakaiba ang dog café na ito dahil sa kanilang ‘unlimited stay’ policy.

Maari kang manatili sa café at makigpaglaro sa mga aso magdamag. Hindi tulad ng ibang animal café na pagkatapos ng ilang oras ay kailangan mo nang umalis.

May entrance fee nga lang ang Dog in Town na 350 Baht (P586). May kamahalan po ito pero may kasamang plus one drink at, tulad ng nabanggit ko, unlimited stay.

Ang kagandahan ng mataas na entrance ay hindi sila over-crowded. Maari mong solo-hin ang mga aso at makipag-selfy sa kanila buong mag-hapon! Mas bawas din ang stress sa mga aso kung tama lang ang bilang ng mga bisita sa café.

Para sa amin ng asawa ko, FIVE STARS ang Dog-in-Town Café at highly recommended by PETMALU para sa mga pamilya at mga dog-lovers!

Mangyari po lamang na bisitahin ang Facebook at Instagram ng Dog-In-Town.
ResPETfully yours,
Joyce