Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaalyado ni Duterte hindi dapat manaig sa 2022 — 1Sambayanan

0 61

Upang matiyak na matututukan at masosolusyunan ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas na kabilang sa pinaka-worst sa buong Asya, hindi dapat administrasyong Duterte o sinumang kandidato nito ang maupo sa Malacañang.

Ayon kay 1Sambayan convenor Neri Colmenares nakita na ng publiko kung paano ang naging Covid response ng administarsyong Duterte kaya kung ayaw nang maulit ang ganitong kapalpakan at ay hindi na dapat Duterte at kaanib nito ang iluklok sa puwesto.

Sinabi ni Colmenares na si Davao City Mayor Sara Duterte ay katulad lamang din ni Pangulong Duterte, aniya, sakaling maupo sa Malacañang ay ipagpapatuloy ang incompetence, gayundin ay poproteksiyunan si Pangulong Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan para hindi makasuhan sa korapsiyon.

Sinabi pa ni Colmenares na hindi na dapat mapagdala ang publiko sa mga pangako ng mga Duterte, gaya umano ni Pangulong Duterte na sa 10 sasabihin ay 20 ang hindi paniniwalaan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.