Abante Tonite Interactive

Kaanak ng mga biktima ng Dengvaxia humirit sa Ombudsman

286

Hinihiling ng mga kaanak ng mga biktima ng Dengvaxia sa Ombudsman na i-subpoena ang Department of Health, Philippine Health Corp. (PhilHealth) at Social Security System hinggil sa 2001 hanggang 2018 Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at sa personal data sheets ni Health Secretary Francisco Duque III at kapatid nitong si Atty. Gonzalo Duque upang nadetermina kung isinaad ba o hindi sa kanilang SALN ang kanilang family owned business na Educational and Medical Development Corp.

Ito ang nilalamanng 6-pahinang mosyon sa Ombudsman nina Ariel Heida at asawang Ruby, Sonia Guerra, Liberty Ganzore, Raul Galoso at asawang Elloly, Raymonf Ancheta, Ma. Cecilia Torres, Danilo Bautista at asawang Sheryl, at Edna Santos.

Iginigiit ng mga kaanak ng mga biktima ng Dengvaxia sa kanilang joint supplemental complaint-affidavit na ipasumite ang lahat ng kopya ng mga kontrata sa paupa ng EDMC sa loob ng 20 years na inamin ni Atty. Gonzalo Duque at ng PhilHealth.

“Based on reliable information, we learned that in 2017 respondent Atty. Gonzalo T. Duque in his pre­sent capacity as commissioner of the SSS acted as a representative of the SSS administrator at the board of directors of Philhealth,” bahagi pa ng mosyon.

Magugunitang ibinulgar ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na ang PhilHealth Region 1 ay nagrerenta sa gusaling pag-aari ng EDMC sa Tapuac District, Dagupan City, Pangasinan mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2018.