Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaanak ni Freddie Aguilar nakatakas sa P10M drug raid

0 123

Nakatakas ang sinasabing kaanak ng sikat na singer composer na si Freddie Aguilar na isang umano’y big time drug personality habang naaresto ang live-in partner nito at napatay ang isa pa sa magkasunod na operasyon ng Philippine National Police- Drug Enforcement Group (PDEG) sa Cainta, Rizal. at Ermita Maynila.

Sa nasabing raid ay nadiskubre din ang isang mini shabu laboratory at pagkakakumpiska ng mahigit P10 milyong halaga ng mga iligal na droga.

Ayon kay PDEG Director Police Brig. General Ronald Lee, unang sinalakay ang Unit C 9029 Kabisig St. Blk 1, Floodway, Barangay San Andres, Cainta, Rizal alas-3:00, Huwebes ng hapon kung saan naaresto si Khrystyn Almario Pimental, 30, curriculum developer ng Quantrics, live-in partner ni Jose Aguilar, alyas “Ish”, isang Fil-American na sinasabing pamangkin ng sikat na singer-composer na si Freddie Aguilar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa kay Lee, base sa background ni Aguilar, na-deport ito sa Pilipinas matapos magkaroon ng kaso na may kinalaman sa iligal na droga sa Amerika at dito niya nakilala si Pimentel na kilala din na drug user mula nang ito ay kolehiyo pa lang.

Sa Pilipinas ipinagpatuloy ni Ish ang iligal na negosyo sa tulong ni Pimentel.

Nakuha sa sinalakay na bahay ang 1 kilo ng shabu na nagkakahalagang P6.8 milyon; 2,000 tableta ng ecstacy na P3.4 milyon at 500 gramo ng kush na P60,000.

Nadiskubre din ang isang kitchen type caledistine shabu laboratory sa loob ng unit ng suspek. (Edwin Balasa/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.