Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaanak ni Oca Orbos nahiya, nag-sorry sa mga pulis

0 55

Haharapin ng nag­walang kaanak ni Oscar Orbos ang anumang pa­rusang igagawad sa kanya matapos ang insidente sa Muntinlupa kamakailan.

Ayon sa inarestong sus­pek na si Franz Luke Sioson Orbos, sa inilabas niyang pahayag sa ulat ng TV Pa­trol kagabi, labis ang kan­yang pagsisisi sa naturang insidente at humihingi siya ng tawad sa mga kauku­lang pulis.

“What you saw on the video is indeed regretful and contrary to how I was raised with Christian values by my loving parents, who taught me to be respectful to the proper authorities. I am deeply remorseful and I sincerely apologize to all who were offended by my conduct.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I am prepared to suffer the consequences of such,” ayon pa kay Orbos.

Matatandaang Hu­lyo 14 ng gabi, sa Susana Heights Road, nang ipara­da ng suspek ang kanyang sasakyan sa kalsada da­hilan upang bumigat ang daloy ng trapiko roon.

Pinakiusapan na siya ng mga tauhan ng Muntinlupa Traffic Management Bu­reau (MTMB) na itabi ang sasakyan pero tinulak at pinagmumura umano niya ang MTMB na nagpatulong na sa ibang awtoridad.

Si Oscar ay nagsil­bing gobernador sa Pan­gasinan, executive sec­retary, at Department of Transportation and Com­munications secretary. (Ri­ley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.