Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaanak ni Oca Orbos sinita sa parking, nagwala

0 88

Dinakip ang sinasabing kaanak ni Oscar Orbos matapos nitong pagmumurahin ang mga traffic enforcer at mga pulis na sumita sa kanya dahil sa pagpaparada ng kanyang sasakyan sa kalsada dahilan upang maabala ang daloy ng trapiko kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Patong-patong na kasong Alarm and Scandal, Resistance and Disobidience, Direct Assault, at Obstruction of Traffic ang isinampa laban sa suspek na si Franz Luke Orbos, 36, residente ng 34 Monte Verde Mansion, Xavier Street, San Juan City.

Ayon kay Police Brig General. Jimili Macaraeg, Southern Police District (SPD) Director, naganap ang insidente alas-6:26 ng gabi sa Susana Heights Road nang iparada ng suspek ang kanyang sasakyan sa kalsada kung saan bumigat ang daloy ng trapiko.

Pinakiusapan ng mga tauhan ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) ang suspek na itabi ang kanyang sasakyan subalit tinulak at pinagmumura umano nito ang mga enforcers dahilan upang humingi sila ng responde sa mga tauhan ng Tunasan Police Sub-station, Muntinlupa City Police Station.

Di naman nagpaawat sa pagwawala ang suspek at paulit-ulit pa nitong sinisigaw na Put*ng i*a… hindi n’yo kilala sinong tatay ko?!”

Kalat naman ngayon sa social media na anak ni `Oca’ ang suspek kung saan lumalabas din na pamangkin ito ni dating MMDA general manager Tim Orbos.

Sa panayam ng Abante kay Gen Macaraeg ay di nito itinangging kaanak ng mga Orbos ang nagwala.

Si Oscar Orbos ay nagsilbing gobernador sa Pangasinan, executive secretary at naging DOTC secretary.

Hiningan ng reaksiyon ang dating gabinete ni ex Pres. Cory Aquino pero hindi ito sumagot sa mga tawag at text ng Tonite.

Sa ngayon ay pansamantalang pinalaya for further investigation si Orbos matapos magpiyansa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.