Abante Tonite Interactive

Kaaway nakita sa trapik, itinumba

By
18

Patay ang isang 39-anyos na lalaki matapos barilin ng matagal na nitong kaalitan na security guard nang mag-krus ang kanilang landas kahapon ng alas-tres ng hapon sa isang trapik sa may Roberto Oca St., Port Area, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), namatay noon din dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Simeonito Dimaala, taga-Blk. 2 Lot 7 Greenmart Homes, Imus, Cavite at nanunuluyan sa may Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Habang naaresto naman nina PO1s Alan Lattao, Christopher Nunez, Paul Martin dela Torre at Charles Benzonang suspek na si Ryan Blanco, security guard sa Philippine Ports Authority (PPA) at taga-Blk.17 Baseco Compound, Port Area, Maynila malapit sa US Embassy habang papatakas.

“Iniradyo sa amin ‘yung description ng ­suspek na nakauniporme daw ng security guard at nakasakay sa motorsiklo nasa Taft kami, pinapunta kami sa may US Embassy dahil possible raw na dito dumaan ‘yung suspek,” ayon kay Lattao.

Nang makita si Blanco, pinara siya ng mga pulis at nagpositibo na siya ang bumaril sa biktima.

Sinabi naman ng suspek na na trapik sa lugar kung saan siya naka-duty nang makarinig siya ng nagmumura at pagli­ngon niya nakita niya ang biktima na dati na niyang kaalitan kaya binaril niya.