Abante Tonite Interactive

Kaaway tinarakan sa dibdib

By
213

Niresbakan ng isang lalaki ang kanyang matagal nang kaaway na tricycle driver na inundayan ng saksak sa dibdib nang matiyempuhan ito habang naghihintay ng pasahero sa terminal kamakalawa nang tanghali sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na ulat mula Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Luzvimindo Alicaros y Flores, 67-anyos at residente ng 85 Bataw Street, Block 38, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills.

Agad naaresto si Ali­caroz at nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide.

Naganap ang krimen bandang alas-12:00 nang tanghali sa Bataw Street, Block 38 Welfareville Compound habang nasa terminal ang biktima na si Luigi Convento y Rupisan, 31-anyos, tricycle driver at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang dalawa na nauwi sa barangayan nang bantaan umano ng suspek ang biktima na papatayin sa hindi pa malamang dahilan.

Nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima at agad na dinala sa Mandaluyong City Medical Center.